<meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4671514566985504240\x26blogName\x3dgamu-gamong+haliparot\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://rutheordare.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://rutheordare.blogspot.com/\x26vt\x3d-3622306841757111751', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
RUTHEORDARE
unang blog ko.nainggit lang sa may blog.wala lang.para masaya.kahit ano,kahit sino,pwede dito.pero kung ayaw mo,edi wag.get a life.salamat.
RUTHE?
Ako si RUTHE.rut.labinglimang taong gulang.senior.matagal magreply.FLIRT.kwekkwek.tokwa.pishbowl.yakult.isaw.isaw.balot.puset.bukangliwayway.tala.mangulit.tumanga.tumanga.makipagFLIRTan kay melay at katorin.EGGERS♥super

Tuesday, May 29, 2007
"tinag ako!!anu ba to. "

antagal bago nagpost ulit..o,kamusta naman?

ayon!!tinag ako ni BIG DADI JAY.haha.yi!!kaya eto..INSERT!



unang weird thing*mahilig ako sa sibuyas.at garlic.favorite ko yan..kahit ano.onion rings,onion,onion..garlic sauce..garlic rice..KAHIT HILAW.haha.ayaw nila dito.mabaho daw kasi.pero nothing can stop me..ano ba yon.kadiri ba?



pangalawang weird thing*hindi pa ako nakakapuntang manila zoo,ng perya,o ng luneta park.wow.ano ba yon.lahat ata ng tao e nakapunta na dito..favorite pagfieldtripan..at favorite hangout na ng iba.haha.pero ako..di pa.kahit minsan.



pangatlong weird thing*hindi ako masyadong marunong magsulat ng dikitdikit..haha.diba.simula ata grade1 e may subject na ganyan.pero hindi talaga ako marunong.haha.



pangapat na weird thing*favorite ko ang WOWOWEE!(ngayon ko lang yan naappreciate.dati e inis na inis ako jan..pero hindi ko padin gusto si willie revillame.plastik.)alam ko lahat ng kanta jan at mga steps.aliw na aliw ako pag nanunuod ako niyan.at idol ko talaga si LUNINGNING!!haha.



panglimang weird thing*pag badtrip ako dito sa bahay,naglilinis ako.as in linis.nagwawalis,naglalampaso,nagpupunas..at kunag ano ano pa.ewan ko ba..saya diba?pero bihira ako mabadtrip at kadalasan e tinatamad ako.haha.

panganim na weird thing*adik ako sa ZONROX.talaga!haha.grabe.adik na adik ako jan.pag naghuhugas ako ng pinggan e hindi mawawalan niyan.kahit kelan!haha.pati pag naglalampaso.ewan ko kung bakit ako ganun.nagmana ata ako sa nanay ko..ayos na ayos!!kaya palaging amoy zonrox ung kamay ko.ayon!

pangpitong weird thing*um.ano ba?ano??ay anim lang ba?odi ayan.:D

yan.tapos na ko..antagal kong pinagisipan yan ha..grabe.
kaya i tagged:

NO ONE.

wala na kong maitag e.:D

cheers!

+ + + + + + + + +
Sunday, May 20, 2007
"kabagot!!!!!! "

haha.wala lang.trip ko lang.para may magawa...

haha.eto.ipopost ko nalang ung gawa ko.ginawa ko yan para peace offering dun sa isang epal.na super.

merong katawang sing tigas ng bato,
pero may pusong sing lambot ng puto..
kahit mejo kuripot at hindi magaling magsayaw ng bebot,
lagi niya akong nililigtas mula sa lungkot..

idol ko pagdating sa basketbol,
magaling maglay-up,crossover at dribol..
kahit inaaway ko siya,sinaksak at kung anoano pa,
siya padin ay makulit at dinadala pa ang aking mga bitbit..

ndi mawawalan ng speys sa puso ko,
dahil siya ay super at mahal kong totoo..
masaya talaga pag siya ang kasama ko,
nalalayo ako sa tunay na mundo..
kung anoano ang aking nalalaman,
nakakapunta ako kung sansan..

kaya salamat sayo..
lalaking may matang tulad ng sago..
SUPER ka..kahit muka kang lolo.

ayon.haha.wala lang.haha.nakakatamad e.

may nagbabasa ba nito?haha.come on!haha.thanks.


♥ Ruuut

+ + + + + + + + +
Saturday, May 19, 2007
"WONDERWALL "

ay..tinatamad na talaga sila ngayon.HIBERNATION.

last..

kahit tinatamad ako e magkkwento pa ko tungkol samin ni SUPER KATORIN.

dati..nung bata palang ako..nagakaron ako ng malalang skin asthma.o yun.kadiri talaga.allergy siya.ewan ko ba kung saan ko nakkuha..ewan ko.sabi ng nanay ko e dahil masiyado daw akong naglalaro ng putik.haha.masaya maglaro nuon.gumagawa pa nga ako ng CAKE e!wow.
tapos yun..dahil nung senior prep ako..isang araw..e..nagpunta si teacher del sa room at pinaalis ako..(mejo natakot ako nun..kasi hindi naman ako maingay..tapos..nakakapagbayad naman ako ng tuition.)tapos un..nilipat niya ako sa ibang room..mga bagong mukha..at bagong lugar..
tapos..madami ng seatwork..e may pesteng skin allergy nga ako sa kamay nun..at right hand pa..tsk..hindi tuloy ako nakapagsususulat..tapos..yon.para makapaganswer at lahat..meron akong tagasulat..tagacopy at kung anoano..ayon.swerte!!hindi ko na yon masiyado matandaaan..

nalaman ko nalang nitong second year..na si katherine pala talaga un..SUPER.haha.hindi ko natandaan..ginawan ko pa yan ng essay.at si ms vidal ang nakabasa..tinaasan lang ako ng kilay.haha.

wonderwall ko talaga yon.
sorry katherine..promise next time.mahal kita.

♥Ruuut

+ + + + + + + + +
Friday, May 18, 2007
"katamad na no.. "

lahat ng nagbblog e naghhibernate na..ewan.ang laging may update nalang ata e si maryel..at si melay.mga new bloggers.at ako,ewan..para may magawa..nakakatamad dito sa bahay.lagi.wala nanamang magawa.ewan ko ba kung may nagbabasa pa nito.be..katamad e!

**kanina nagpunta kaming sm ng inay slash super slash forever slash churchmate slash everything na si katerin..naghahanap kasi kami ng dress ko para sa birthday bukas ni ate tina..siyempre...wala kaming nakita.tapos nagkita kami nila aika at melay pagkagaling nilang dentist..haha.(wala ng braces si melay.)pero siyempre..nasiyahan talaga ko kasi puro kabaliwan nanaman kami tapos tawa lang kami ng tawa.chaka nagkasama ulit kami..:D diba katerin?.
pagkatapos..nagpunta kami kna maryel..para..wala lang.parang birthday niya ata.haha.may pansit at may BIDYOOKE pa!(un yon e!)haha.:D saya.ako nalang naman ang kumanta.

kaya..kukuwento ko nalang ang isa sa mga naging adventures namin ni katherine..

grade 6 yon..kami ang nautusang magayos ng mga prizes para sa christmas party..kami nila katerin,ako,daissa..edi pagkatapos ng exams..punta na kaming sm.e sabi ni TJ,ok lang naman daw kahit hindi na magpalit..kasi papapasukin nman daw..ayun.tapos..edi go na kami.pagdating namin dun..edi..ayun na..nauna sila tj..ayun,pinapasok..edi ok n kami..tapos..sabi nung guard..

ate guard:neng,hanggang anong oras pasok niyo?hindi pa kayo pwede.hanggang 4 pa.
kami:hindi po ate..christmas party na po namin bukas..
ate guard:hindi.maghintay kayo.

grabe naman to..lahat na at ng pintuan ng sm e pinasukan nameng tatlo(ako,daissa,katerin) e ganyan lahat ang mga sinasabi..hello for us..edi wala na kaming magawa..tapos sabi ni daissa e dahil malapit lang naman daw sakanila..punta kami dun..at maghanap ng damit.tapos yun..pumunta na kami..naghanap hanap ng damit..siyempre ako may kakasiya sakin kasi magkasize naman kami ni daissa..may dala akong shirt tapos pants niya.at slippers.hehe.ok na ko...tapos..nakita namin bigla si katherine..hala.pano yan!

ako:um.mama dai..may damit k bang kasiya jan?
daissa:aaa..teka.teka.
katerin:(wala lang)
daissa:(naghahanaphanap sa cabinet)eto!(habang nilabas ang isang mini skirt.ung pambata.)
ako:kasiya ba yan?o sige katerin.isukat mo.
katerin:um..ok.(sinukat ang palda)
ako:(mejo natatawa at pinipigilan)ayan.ayan.
*mejo maluwang padin kasi ung skirt ni daissa kay katerin.skirt ata niya un nung bata pa siya.ayon..para lang makapasok kami sa sm..nagminiskirt si katerin.haha.tapos..ayun.nandun na kami.tapos,hinubad na ni katerin ung atheneum skirt niya at suot niya ung mini skirt ni daissa..pagkita ko..nakkaboots nga pala si katerin.ayon.ayos na ayos ang get-up ni katerin.parang mamamasko..hehe.tapos...nakapasok padin naman kami sa sm..kasi lampas 4 na un.(sayang padin ang skirt at boots.)hehe.masaya talaga yon..tawa padin kami ng tawa pag napaguusapan yan..haha.

*nakakahiya yon.pero masaya.sorry katherine..:)

sana makapunta ako bukas dun sa party.para kay katerin.e kasi e..salamat katerin.
melay sumama ka na.ingat.

+ + + + + + + + +
Wednesday, May 16, 2007
"batang kriminal "

haha.grabe.binabasa ko lang ung blog ni chicca.at tawa talaga ako ng tawa.kasi un ung nagpunta kaming mall of ASA (norifel!!haha.) at nagpuntang 168 at nagadventure.ng hindi alam ng nanay niya.haha.ang saya kaya super namimiss ko na si chicca...

ayan.siguro kung may juvenile imprisonment (tama ba yan?) haha.e matagal na kong nakulong.kaya salamat sa nagpasa ng batas na bawal ikulong ang mga bata.cheers to you.

naalala ko kasi nung bata ako e muntikan ko ng mapatay si kuya marvin.MAPATAY.ewan ko kung anong ginawa niya nun at NAGDILIM talaga ang paningin ko.(haha.isang anim na taong gulang.nagdilim daw ang paningin)tapos.sinaksak ko siya ng tinidor sa mata.sa MATA!haha.(ano b yan.paulitulit.)ayun!nakita kong dumugo ung mga mata niya.tapos..umiyak na si kuya.malakas.tapos nagpunta na si mommy at ung lola ko..samin.

"mary ruuuuthe!!!" pinapasok ako ng nanay kong gitil na gitil sa kwarto habang tarantang tarant sila sa dumudugong mata ni kuya marvin.ayoko pang pumasok.pero wala akong magagawa."hintayin mo ako!!" ayan.(anong ginawa mo mary ruthe.golly.)pero sumigaw ako

ako:palabasin niyo na ko dito!!!mommy!!mommy olie!!si kuya naman ang may kasalanan!!
mommy olie(lola ko):naku!tumigil ka!
(background*dugo.dugo.ung mata.marvin?*)
ako:(inis na inis na.tumingin sa kwarto.may nakitang plantsa.a!eureka!.natawa pa ko jan ng pangkontrabida.)palabasin niyo na ko!!!
mommy:hintayin mo ko mary ruthe!!
ako:palabasin niyo na ko!!ibabato ko tong plantsa!!!!!(ibabato ko na talaga)
(ok ba mga tsong?nagmutiny.haha.)

**ewan ko na kung anong ngyari pagkatapos niyan.pero sinunturon ako niyan.at hindi naman nabulag si kuya marvin.(buti nalang)kasi hindi BULLSEYE.haha.

madaming beses ko na ding mapatay ang lola ko.tinulak ko siya sa kalan.habang may kumukulong mantika.nagpahabol sa loob ng bahay.(80+ na ung lola ko nun)ginugulat.hinahighblood ung lola ko pag sakin..ewan ko ba.at lagi ko un pinagtatawanan.ewan ko ba.(pero nasa wala na ung lola ko..at hindi ako ung cause of death nun.SWEAR!!!)

**pero mahal ko ung lola ko..naalala ko..lagi niyang sinasabi "kung ano ung ginagawa mo sa lola mo..ganyan din ang gagawin sayo ng apo mo pag nagkaapo ka.." (o my.ano kaya.) in peace.

nagbago na ko.haha.hindi na ako ganung kaharsh..kay melay nalang ata.kay katerin..pati kay topak..
haha.grabe.so..just follow the golden rule.and also the bronze one.(joke ba yan?)
*

nagyayaya si katerin bukas sa sm.manuod daw kami ng SHREK.sana.mukang hapon nanaman ako magigising.haha.ansakit padin ng ulo ko..pano..nung monday.at kahapon,hindi ako n2log.mga 3o hours akong dilat.nagpunta ako sa simbahan nung monday ng gabi para magbilang ng boto..tapos umuwi kami ng 6 ng umaga.tapos naligo ako at nagpunta ng school para sa UPCAT review..for tijey.mejo okei pa ko niyan.pero nung nagdidiscuss na si shamrock e untitunting natutunaw ung paligid at untiunti na kong nahuhulog..napapikit.ayaw ako tigilan ni tijey.kaya ndi padin ako nakatulog..tpos..pagkatpos nung break..hindi ko na tlaga kinaya.tumungo na ko at ntulog..hanggang sa..

shamrock:ruthe.give me a number.
ako:(wtf!ano un.)255.(buti nalang.)

grabe diba.haha.ayon.after review..tumambay lang sa cyber.tapos nakipagdaldalan.tapos.inaway si melay,tapos pumuntang mcdo para hintayin si norifel at aika.na parehong late.at nagpunta na kina ate miyey para sa fiesta..ok naman.movie marathon.tapos naka2log ako.mga ilang minutes.nagising kasi si nagflash ung camera.grabe talga tong si norpel.hindi kami masiyadong nawili.mga 11 na kmi nakauwi.haha.aun.tapos n2log na ko..go.haha.
**

GOD's night.

missyou.katherine.melay(bi***)yey.shaine.tijey.adora.ket.kamote.canton.

+ + + + + + + + +
Sunday, May 13, 2007
"isang pagpupugay.. "

isang pagpupugay sa mga ilaw ng tahanan..mga larawan ng tunay na pagmamahal at tapang.salamat.
happy mother's day..
lalo na kay..
remedios
titamira.donyaamy.titaedith.titajenny.titamel.titaliberty.nanay.mummiyey<3at katerin.haha.at sa lahat ng nanay sa buong mundo.
stay sexy.

**botohan na bukas.paki suporthan ang AGIMAT NG KONSEHO..si DENNIS,DENNIS ERMITANYO.:D
yes to clean and peaceful elections.
GODbless philippines.

+ + + + + + + + +
"YIKES!!! "

maraming beses na nangyayari sakin ang mapahiya.un talagang mapahiya.nakakahiya talaga.shempre..katangahang taglay.pero dahil mejo makapal ung muka ko e carry lang..walang pakeelam..GO.tuloy.eto ang ilan.
...

(sa saudi..nanonood ng tv.nakahiga ako sa sofa,tapos nakaupo sa lapag si ate weng at nakaupo si kuya sa isa pang upuan..)

**nang may...
"KRING!!!! KRING!!!"

ATE:hoy marvin,ung phone..
KUYA:e!ikaw na.mary ruthe.
AKO:eeee!!nakahiga na ko dito e...tapos si ate weng e hihiga!!
KRING!!KRING!!

(dahil tumingin na ng masama si ate weng e sinunod ko na)

AKO:pero ako jan ha!!!SAVE!!o..ate weng ha!!(*SAVE-para hindi maagawan ng upuan)

(hanggang sa makarating ako sa telepono e sinsabihan ko si ate weng.at inaalala ko ung upuan ko)

tapos..pag-angat ko ng telepono..
AKO:SAVE!!!!!!!(malakas na malakas pa yan ha..)
UNG TAO SA KBILANG LINYA:HELLO???!!mama mo?

(hindi ako makasagot sa sobrang hiya kasi un ung piano teacher namen.tapos si ate weng at kuya e gumugulonggulong na sa kakatawa.)

AKO:aaaa...tita grace!saglit lang po.(parang wala lang.)mommy!!fone.
**kahiya talaga yun e.buti nalang hindi na niya mashadong naintindihan ung SAVE na yun.

..eto pa.

"KRING!!!KRING!!!"
(dahil naliligo si ate weng e ako na yung sumagot)

AKO:hello?!
UNG TAO:hello?!
(matagal na katahimikan..)
AKO:(ano ba to..ano ba yan.bakit hindi nagsasalita.ano bang sasabihin ko dito.ammmm..)AA..PWEDE PO BA KAY..AY!AY!

**HELLO for you ruthe.anu ba yon..hindi naman ikaw ang tumawag pero ikaw naghanap.ano ba yan.

UNG TAO:(mejo natatawa.pero pinipigilan)pwede ba kay weng?
AKO:ay...teka lang po.(alam ko na si ate charis un,ung friend ni ate weng na idol ko.e talagang mahihimatay na ko sa sobrang kahihiyan.).

..eto pa!!!
(nasa bus.ung rocket bus namin.kasama namin si ate LA(ung ate ni tijey),kasi nagpasama si mommy na maghanap ng apartment para kay kuya sa UP.)

AKO:ang inet..kuya!!(ung driver.)..

nang biglang..

MOMMY:ano ba yan!!
(napakalakas kasi ng pagbreak..at habang ako ay gumugulonggulong at nagtatatambling mula sa dulo ng bus hanggang dun sa unahan kay kuya driver..)
ATE WENG:hahaha.ano ba yan mary ruthe!!haha.

*habang lahat sila ay tumatawa ng tumatawa,at nakita ko si ate LA,pinipigilan talaga niyang hindi tumawa..

AKO:eee!!(gusto ko ng mahimatay dun sa kinalalagyan ko sa pwestong un..nakataas ung paa tapos nakahiga..nakakahiya..at naku..ikkwento niya kay tijey..hayayay.)

***pag naaalala ko yan e natatangahan talaga ko sa sarili ko..at natatawa padin..minsan ayoko ng alalahanin.pero masaya talaga..dahil alam kong nagcontribute ang lahat ng pangyayaring yan sa pagiging makapal ng muka ko..

ay ang haba..:D

+ + + + + + + + +
Friday, May 11, 2007
"WALANG IMPOSIBLE.. "

gusto kong..

magaral ng foreign language.gusto ko matuto ng kahit anong foreign language para sosyal.pangarap ko yun e.dati nagaral ako ng korean...dahil crush ko si RAIN.baka kasi magkita kami isang araw..pero gusto ko magaral ng french.je taime.

humiga sa snow.nainggit lang ako kay karina.:D

magvangiejumping.siyempre kasama si katherine at melay.ayos yan.

magpuntang sm na nakapantulog.dati naggala kami ni melay sa noveleta na nakapantulog.and i thought i wanna take it to the next level.LETS INVADE SM BACOOR MELAY!!

magcartwheel.muntikan na kong hindi maging dancer jan sa cheering na yan dahil hindi ako marunong magcartwheel.hanep e.buti nalang may ATTITUDE ako.:D

magbasketbol ng may madaming kalaro.grabe.sayang talaga.hindi ako nakapaglaro nung sportsfest.sayang.at nung naglaro naman kami nung pe,napakasaya,pumutok ung ulo ko.nakakatakot.pero ayos lang.pers taym..


magdrive.gusto kong magdrive.para cool.(mas cool pa sayo norifel.)haha.gusto kong magpuntang sm kasama sila melay ng hindi nagcocomute at nakachikot.gusto kong magpuntang school ng nakasasakyan lang at gusto kong sunduin ang kung sino sino.

sumali sa singing contest at maging sikat.hindi lang basta singing contest.ung performance level talaga.ung parang kay sarah geronimo.mga pambirit na ganun..para sumikat at pagbirthday ko e kakanta ko sa ASAP tapos habang kumakanta ko e lalabas si kuya marvin sa likod.haha.pero pangarap talaga yan ni kuya marvin.feeling ko nagauaudition din yon.indi lang sinsabi dito.:p

at..makapagpost ng matinotinong entry dito.may nagbabasa ba dine?.haha.

itutuloy..magiisip pa ko.
**

nakakahiya talaga kanina.haha.nasa kanto kami..(ako.melay.tijey.norifel.joy)tapos naghahanap kami ng tindahan ng ice cream.habang natawid,etong si tijey e naaautistic nanaman at nagdodomino effect ng nagdodomino effect..katabi nya ko.tapos nasa harap ko si melay.nung nasa tindahan na kami,napakalakas ng pagbangga saken ni tijey at tumilapon ako kay melay.siyempre,sa sobrang payat ni melay e nadala yun.at tumilapon si melay dun sa OVEN ng MISTER MAPPY.haha.ung picha pie.grabe.nakakatawa talga ung itsura niya non.tawa talaga kami ng tawa..at natatawa padin ako ngayon.

happy 22nd anniversary kay mommy at daddy.
love you so.

+ + + + + + + + +
Thursday, May 10, 2007
"bagot? "

sa sinasabing 300+ na panaginip na ngyayari sa isang tao pag natutulog,kahit isa,wala akong natatandaan.
hindi ko na alam kung pano managinip..ewan ko.gusto ko ulit managinip.ung .ung makulay.ung kapanapanabik.ung hindi mo na talaga gugustuhing gumising..adik na ko.

gusto ko ung adventure talaga.parang dati..naalala ko lang.
nasa saudi kami..tapos mashado akong naadik sa paglalaro ng crash bandicoot.un talagang sinsabayan ko ng gising ung tatay ko para mauna kay mommy at maglaro ng playstation..grabe.ung warped..shempre banobano ako jan kaya paulitulit ako.kaya ayun..mga apat na araw ko ng nilalaro un..tapos isang gabi e nanaginip ako..AKO DAW SI CRASH.wowowee.hanep.astig chong..ayun.shempre..apols..tpos nagbobosyslam pa..siguro mga ilang ganyan.tapos nagising ako.grabe.itay.ansakit ng katawan ko..

meron pa..nung isang beses naman..ganyan din..sa harry potter naman.bidangbida.andami kong alam na spells..tapos may nalalaman pang flying..grabe.

eto matindi.grabe.nung mga panahong un..puspusan talaga ang pagpilit sakin ng nanay ko sa pagdadiet.bukod sa pagsswimming at pagpupulot ng bola sa pagtetennis ni ate e magwalking daw ako sa buong saudia..grabe naman inay.pero shempre super chibog padin ako.kaya ayun..isang araw..ay gabi pala..nanaginip ako.ako daw ay..hulaan nyo..tenenenn..NILILITSON.grabe diba?si mommy,daddy at ung tito ko.ang nagiikotikot sakin..masayang masaya pa sila.sa aking paggising..basangbasa ako ng pawis.(kahit aircon dun a.)tapos hilonghilo ako.(kakaikot.)tapos..napakasakit ng panga ko..ewan ko.be..grabe.hindi sha apol.isang malaking PINYA!o.diba?ayos na ayos.

haha.hindi padin ako inaantok.ansakit na ng likod ko..
gusto ko na managinip.sana sa pagtulog ko..woaw..

mahal kita.bitch.

+ + + + + + + + +
"BANANAAA!!! "

“sino gusto ng BANANAAA???!!!!”

with so much conviction ko pang inannounce yan sa klase pagkaakyat galing lunch habang tinataas ang isang malaking banana (mejo luray na ung banana.si chicca ksi.) ng..may biglang humawak skin at nagbaba ng braso ko…pagtingin ko..si..MISS VIDAL!!(yikes.haha)Habang tinitignan nya ako at tintaasan ng kilay..ngulat ako.pero wala ding kumuha dun sa alok kong saging.

wala lang..hehe.naalala ko lang.kahapon nagpunta kme kina ate miyey..sa mcdo..at kina melay.ambaet nga ni tijey kahapon e..nanibago ako :D may topak ata.aun.at si melay..grabe..pagdating nmen e hindi padin naliligo..grabe.yikes.at pinakain nya kme ng sangkatutak na matamis..diabetes abot nmen e..haha.baliw ka talaga melay..

nakakatamad dito sa bahay.isang araw magdedecay na ko..kaya sa sobrang walang magawa e nkakagawa ako ng kung ano ano..heto heto...basahin mo.

Iba’t iba ang agos ng ilog..
Mauna ka man ako riy mahuhulog.
Masakit na mga ganung bagay ay kaya mong masabi..
Mga bagay na hindi inakalang mamumutawi sa iyong mga labi..
Pano ang pangakong magpakailanman?
At ang salitang kailanman ay di iiwan?
Mga luhay di napigilang kumawala sa mga mata..
Mga luhang pilit umintindi sa nadarama..
Nadaramang sakit pilit kong tinakasan..
Habang hawank ang katotohonang di na kailanman mbbalik ang dating samahan.
Ano pa ang saysay ng gingawan kong ito
Para nmang malalaan mo..
Kaya ano pa ang mkkpagpalambot sa mga pusong bato..
Ano pa ang makakapagayos ng mga utak na gulo..
Walang tulang kayang magbalik ng dating tayo..
Walang tugma, linya o khit ano pang berso..
Walang anumang awit o kanta ang kayang magbalik ng kahapon..
Wala ng natira kundi ang ngayon..
Pero hindi ako ditto matatapos..
Mga salitay hindi mauubos..
Patuloy akong magsusulat at mabubuhay..
Hanggang maibalik ang dati kong mundong makulay..

ano..ayos ba mga pare?:D

imissyoukatherinemelaytijeymaryelshaineadorajmtkamotecanton.

+ + + + + + + + +
Sunday, May 6, 2007
"BALOT!!!! "

first blog.first post.
nung una ayoko tlgang magblog kasi wala naman akong malagay dito..hindi nman ako magaling na storyteller AT ndi ako mrunong magayos ng blog.pero shempre,nainggit ako.lahat ksi ng friends e nagbblog at nagbblog.kaya nkiblog ndin ako.unang una,mhirap magisip ng pangalan ng blog mo..shempre dapat ung catchy at ndi mashadong mahaba.mga nkaka1000 names na ata kmi ni norifel e wla pdin..aun.lumapit na ako kay BIG DADI JAY upang kumonsulta.alam mo nmang..fountain of wisdom yun e..at ayan.may blogname na ko in an instant.shempre..galing talaga e.idol na idol ko tlga un.hindinghindi ko yan mkklimutan.:D

kaya eto..naalala ko lang nung fiesta.sa sobrang paghihintay nmen kay turistan jey..

"root..!! root!! root.."

"rooooot!! root! rooot!!"

ako:(habang titig na titig sa tv at biglang nagulat(yikes.anu kya un..isipin mo kung anong ichura ko katherine.)) tijey?? tijey?? tijey! tijey!

maryel, norifel, aika:ha? tj ka jan.. (habang walang tigil padin akong sigaw ng sigaw ng "tijey??")

ako:tijey! hoy! pumasok kna dito. prang tanga tlga e. (hbang sinisilipsilip ko pa yan.)

sila:nay.si ruthe..bka balot lang yan.

ako:hindi no..feel na feel ko sakin na si tijey yan..alam mo nman.tijey?tijey!!

..habang may mamang paparating na may dalang basket.

mama:roottt... rooottt...

sila:hahahahaha.ayan.sbi syo e balot lang yan..

ako:ayyyyyy.balot.kala ko si tijey.nsan na kaya un..tijey?? tijey??

mejo napahiya ako.ksi with so much conviction ko p tlgang pinaglaban ang lahat at si TIJEY .be.napakatagal b nmn ksi e..
PERO naisip ko lang..bkt ba ksi mshadong slang ang mga mamang balot sa pagpronounce ng "BALOT!!!!" at bkit ba katunog ng pangalan ko ang "BALOT!!". grabe. naalala ko ulet..

"roooott..." "rooooot.."

ako:bket nnman po???!!!!

ayan.o diba?napagalitan pa tuloy ako at npagtwanan pa ni kuya marvin.
**

salamat kay katherine sa layout.super tlga kita.i miss you...<3

Labels: ,

+ + + + + + + + +
Saturday, May 5, 2007
"Dear.. "

Dear Super Ruthe,

Kamusta ka na diyan sa Dubai? Balita ko nakapangasawa ka raw diyan ng bilyonaryo. Pautang naman! Gusto kasi ni Junior ng aso, yung shih tzu ba raw. E yon eto, nagpupumilit. E ayaw naman ng tatay niya, ng husband ko, kasi masyado raw magastos yun. Hehe Kaya naisipan kong i email ka, andito ako ngayon sa bayan, dito sa internetshop ba tawag dito. mag webcam naman tayo ah! Nakakainis ka naman, tulog ka sa YM mo, nakapikit ka. Kala ko pa naman, hay sayang mag wewebcam pa naman sana tayo. O siya, siya. Mag email ka uli sakin a! Oh ingat ka diyan.

Love,
Super Kate


Hahaha! Ruthe! Ayan my bago ka ng layout! sana magustuhan mo. hehe, okay lang kung hindi gagawan nalang uli kita ng bago kung ayaw mo! Hehe.. mag online ka na

+ + + + + + + + +
© Layout Katherine