<meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4671514566985504240\x26blogName\x3dgamu-gamong+haliparot\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://rutheordare.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://rutheordare.blogspot.com/\x26vt\x3d-3622306841757111751', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
RUTHEORDARE
unang blog ko.nainggit lang sa may blog.wala lang.para masaya.kahit ano,kahit sino,pwede dito.pero kung ayaw mo,edi wag.get a life.salamat.
RUTHE?
Ako si RUTHE.rut.labinglimang taong gulang.senior.matagal magreply.FLIRT.kwekkwek.tokwa.pishbowl.yakult.isaw.isaw.balot.puset.bukangliwayway.tala.mangulit.tumanga.tumanga.makipagFLIRTan kay melay at katorin.EGGERS♥super

Monday, June 11, 2007
"sa kinabukasan ng bukas,makikita na kita :D "

wala na..wala na talaga.wala na ang masasayang gabi kasama si gus.at mga masasayang tanghali na kapiling si luningning.wala na.pero ayos lang.kasi..

may pasok na sa kinabukasan ng bukas :D at makikita ko nanaman ulit ang pangalawang bahay ko,sa bahay nila maryel.de..sa ATHENEUM.konti nalang,iiwanan ko na ang lugar kung san ako natutong kumanta,sumulat,bumilang,bumasa,sumigaw..kung san ko nakilala ang mga taong nagbago ng buhay ko.SALAMAT.
excited nadin ako.ewan.siguro kasi dahil sa mga kaibigang matagal ko ng hindi nakikita..mga tao na gusto kong masapok na!biro lang.
iba na tong taon na to..mga bagay na nakasanayan kong gawin ngunit hindi ko na magagawang muli.mga kaibagan ilang taong kasama at ngayo'y wala na..

saya.huling puyatan na to.kaya internet galore ako ngayon.

--ang haba na ng nasulat ko.pero bigla akong napangitan sa post.tsk.EW-an.

eto na lang.

mejo idol ko si kuya marvin.hehe.minsan gusto ko nalang maging siya.maging katulad niya.kahit isang araw lang.kahit saglit lang.
may masayang buhay ang kapatid ko.sa bahay namin,sa UP,sa bahay ng lola ko,sa jeep,sa kalsada,sa bus.kahit saan.
madami siyang pinagkakaabalahan at nakikilala.madami siyang nalalaman at nagagawa..
madaming alam.
at alam kong masarap siyang maging kaibigan at masarap din maging kaibigan ang mga kaibigan niya.
may sa-lizard yan si kuya marvin.
ewan ko.pero maswerte talaga akot naging parte ako ng buhay niya(naks!).which is true.
pero sabi nga ni dadi jay..masama mainggit..binigyan ako ng Diyos ng sarili kong buhay...at masaya na ako dun.at hindi ko kailangan maging si marvin o maging si darna.AKO SI RUTHE!!!ANG BIGATEN NG NOVELETA CAVIIITEE!!

salamat paadin sayo kuya marvin.isa kang natatanging inspirasyon.hindi lang skin.kundi sa madaming tao.kahit minsang nasaksak na kita e ayos padin.

hindi ko to sinasabi dahil tiyak na babatukan mo lang ako.mahal kita!uber!

--wala lang.siguro kailangan ko ng matulog.ayos ba?alastres na ng umaga.

+ + + + + + + + +
Friday, June 8, 2007
"ang ganda ruuuut..ang kinis tignan mo! "

"ang ganda ruuuut..ang kinis tignan mo!..ang galing o..parang bago..galing..tignan mo rut!"

grabe ka talaga katerin.

um.andami kong pinuntahan kanina.
palenke-->katerin-->school-->court-->tijey-->mcdo-->nagshopping sa palengke-->mcdo ulet :D

nagshopping kasi si dyords e.pero wala kaming nakitang COOL na notebook.wala ung may artista.gusto sana naming dalawa ni katerin ung SUPER TWINS.at ung si dyords naman e siya daw si ELYASAR!.cooool..

pagpunta ko kina katrina e may bago na silang helper(YEHEY!!di na magsasaing si katerin!!CHEERS!!:D).at tawagin nlang natin siyang..
-GINA.

**hi gina.kung nababasa mo to ngayon.magdiet ka.

(biro lang gina.)

naalala ko tuloy ung mga naging helper namin dito sa bahay.dalawa lang ung natatandaa ko.si ate menchi at ate ana.

**ATE MENCHI.dati siyang namamasukan sa kaibigan ng mommy ko.18 palang siya nung mga panahong un,madami siyang ear piercings(pero hindi siya rocker,man..)tapos,may boyfriend siyang nagtatarbaho dun sa LYN-MENG.ung tindahan ata ng mga bird feeds.
hindi siya stay-in,kaya nauwi lang siya tuwing gabi.
hindi ko masiyafdong gusto si ate menchi.kasi nakaaway ko siya.at malakas siya kumain.pero minsan e ok naman..

ako:ate menchi,bakit kahit magkasing-tanda lang kayo ni ate weng e parang ang tandatanda mo na?
ate menchi:e alam mo kasi,MACHERED na ko..
ako:ano ung machered???ha?(ano ba yun.salitang ano ba un?)
ate menchi:ung ano ba,kahit bata ka pa e matanda ka na magisip.ung ganun ba.
ate weng:(natawa at tumingin sakin)aa..MATURED!!
ako:aaa..

hehe.si ate menchi talaga o.tapos yon.isang araw e hindi na siya pumasok,at nawawala na ung boots ni mommy,ung mga damit,ung panty..at nalaman naming tuwing gabi pala e may dalang malaking plastic bag si ate menchi,at tinetake home niya ang gamit sa bahay..tsktsk.

**ATE ANA.basta nakuha siya ng mommy ko sa kaibigan niya.bata din..at nakakatawa.stay in siya samin at tuwing saturday lang siya nauwi.
mas gusto ko si ate ana,kasi mabait siya at lagi niya akong inuuwian ng banana chips pagsunday.mahilig din siya maglagay sa mukha niya ng MAXI-PEEL.kaya makinis ung muka nun.kaya lang e mejo sunog.mejo close kami nun at niwrewrestling ko pa siya.nagparty pa kami sa taas ng palenke!haha.saya.nakakatawa talaga yang si ate ana.

--pinasagutan ko sakaniya ang autograph book ko.

who is your best friend? SINIGANG
what is your favorite food? MARY ROSE CAIMOL

most unforgettable moment when lito kiss my libbs.

galing diba?ayos!

ate ana:alam niyo ba e dati kung san san ako dina ng amo ko!dun sa feeling fresh ba..
kami:san yon?
ate ana:yung sa alabang..

eto pa!!binigyan ko ng notebook at bolpen si ate ana..at nung umalis na siya e nakita ko kung ano ung mga nakasulat dun.

dear ana,
kamusta ka na?anong gingawa mo jan?ako e ok naman dito.sana e sumulat ka naman.

--wala din,isang araw ay hindi nadin bumalik si ate ana.nakaklungkot talaga.kasi e enjoy talaga yon.


--kakornikorni ng sinulat ko e.kainis.

+ + + + + + + + +
Wednesday, June 6, 2007
"adik ka ba? "

wala lang.hehe.
tanong ko lang,nakakaadik ba ang zonrox?salamat.salamat.

+ + + + + + + + +
Sunday, June 3, 2007
"maaamee..maamee..!!! "

mainit..nakakatakot.malapit na.hindi padin ako nakakalabas.wag niyo ko iiwan.ate.gusto ko na lumabas.tulong.tulong.maaamee..maaamee..

madaming beses na akong nakukulong.at palaging sa BANYO!!tenenenen.ang galing diba?ewan ko kung bakit.muka talaga akong tanga.dammeet.

pinakaunang banyo imprisonment--sa eroplano.
ihing-ihi na ako at pababa na ang eroplano.wala ng magagawa at kailangan kong tumayo at pumunta sa banyo.pero natatakot ako..kaylangan ko ng kasama.pinilit ko si ate weng na samahan ako..
ihing-ihi na ako at walang vacant.ayon.may lumabas.pero ayokong umihi don..ayoko talagang umihi don.pero dahil pababa na ang eroplano at mainit na ang ulo ni misis weng,napilitan ako..
takot na takot akong pumasok..pero dahil ihing-ihi na ko,sinaran ko ang pintuan (hindi ko siya nilock) at umihi.wow.sa wakas.tapos na.pagtapos ko..binuksan ko ang pintuan..my gass.ayaw bumukas.panu ba to??tinawag ko si ate weng..malakas..kinatok ko ang pintuan.walang sumasagot.patay.malapit na maglanding at maiiwan ako dito..ayoko!!tumawag padin ako at kumatok.takot na takot na ko.sabi na nga ba at dapat hindi na ko pumasok sa pintuang yun.
hindi ko kasi alam kung pano buksan,hindi kasi siya ung may knob..basta.mahirap.
ayan tuloy.nasaan ka ba ate weng?ate weng!!!kumatok pa ko.mahihimatay na ko sa takot,ngunit sa wakas..may nagbukas ng pintuan..isang lalake.na malaki ang katawan..at bumalik na ko sa upuang takot na takot at inis na inis kay ate weng na kumportableng nakikinig ng music,habang akoy mahihimatay na sa sobrang takot.nako!

pangalawang banyo imprisonment--sa aming sariling banyo(sa saudi)
galit na galit kaming ipinasok ni maureen sa tig-isang banyo ni mommy..(ako dun sa malaki siyempre:p)galit na galit siya kasi nagpatayan nanaman kami at talaga namang uber na..
mejo mainit.at nagugutom na ko.magtatanghalian na at sana naman palabasin niyo na ko.mga ilang minuto pa..gutom na talaga ko..dahil walang magawa,inaliw ko muna ang sarili ko at nagsayawsayaw muna sa llob ng banyo..naglaro sa bathtub at kumanta.
tapos..ayon na.narinig kong pinapatawag na kami at sa wakas,kakain na.haha!!sabik na sabik kong sinuksok ang susi sa susian at inikot ito..ayaw.bakit ayaw?isa pang ikot.muling ikot.ayaw talaga.gutom na gutom na ko at pawis na pawis.pinilit ko ngunit..wala.
kinatok na ako ni kuya marvin..kakain na daw.
inikot ko ng inikot,at ayon!!salamat!bumukas na siya.
paglabas ko e tinawanan ako ng tinwanan ni ate weng at kuya marvin.ewan ko ba.

pangatlong banyo imprisonment--sa banyo ng isang thai restaurant
dahil napapagod na ko,ganito na lang..:D
(habang nakain)
ako:ate weng,naiihi ako.samahan mo ko..sige na.
ate:ano??e.
ako:mommy o!!
mommy:samahan mo na.lakad.
(sa baba)

ako:ate weng hintayin mo ko!wag mo kong iiwan.
ate:lagot ka.haha.
ako:hintay lang!a?a?a?
ate:oo na!bilisan mo na!

umihi na ko..at ayon.sa hindi inaasahang pagkakataon,hindi ko nanaman mabuksan ang pintuan,isang ordinaryong pintuan.takot na takot nanaman ako..at baka iwan nila ko..
hindi ko talaga mabuksan..

ako:maamee...maamee..(iyak.iyak) mameee..

walang nasagot.hanggang sa ayon,biglang may nagclick,at nakita kong ndun si ate weng.nalaman kong nandun lang pala siya sa labas ng pintuan nung buong oras na tawag ako ng tawag..at gumugulong gulong siya sa kakatawa.napaiyak alp.maamee..mamee..

--hanggang ngayon ay niloloko padin ako nila ate weng sa mga kagagahan kong yan.at simula ng mga yan,hindi na ako nagpapasama kay ate weng umihi.ayoko na ulit makulong.baka hindi na ulit ako makalabas.ayoko na.


♥Ruut

+ + + + + + + + +
© Layout Katherine