<meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d4671514566985504240\x26blogName\x3dgamu-gamong+haliparot\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://rutheordare.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://rutheordare.blogspot.com/\x26vt\x3d-3622306841757111751', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
RUTHEORDARE
unang blog ko.nainggit lang sa may blog.wala lang.para masaya.kahit ano,kahit sino,pwede dito.pero kung ayaw mo,edi wag.get a life.salamat.
RUTHE?
Ako si RUTHE.rut.labinglimang taong gulang.senior.matagal magreply.FLIRT.kwekkwek.tokwa.pishbowl.yakult.isaw.isaw.balot.puset.bukangliwayway.tala.mangulit.tumanga.tumanga.makipagFLIRTan kay melay at katorin.EGGERS♥super

Thursday, August 30, 2007
"dear geniss-ang gulay.. "

ehem.ehem.
grabe.napakabulok na netong blog ko.nakaklimutan ko na kasing magpost e.ikaw ba e ilan ang blog mo?dami.dami.dami.
kain tayo ng gulay.gulay.yehey.

+ + + + + + + + +
"pa yan pa yan!! "

wala lang.

dont let go..youve got the music in you.

kakagaling lang namin sa death march.demmet.pero ayos naman.
namemorize mo na ba ang noveleta hymn?dugdug.sayang.

+ + + + + + + + +
Saturday, August 18, 2007
"kulangot.kulangot.sinong engot? "

ruthe at kulangot na engot.

hulaan mo kung anong pinagkaiba...

..
....
..
.....
...
.....


wala ka bang maisip??isa pa!

..
....
..
.....
...
.....

wala talaga?ako din e.pfft.pfft.

sa kasagsagan ng bagyo nun isang araw,kinuwento ko sa isang texmate ang aking mga tinatawag na stunts.

una*gusto ko na talagang maging superhero nung bata pa ako.sumuntok.sumipa.madalas praktisan ko un kapatid ko.at shempre,pag superhero ka,dapat e marunong kang..LUMIPAD!!kaya namay lagi lagi akong nagpapraktis.
at ang training grounds:sa sala ng aming bahay.sa mga armchair ng sofa.
inakyat ko ang mga sofa at buong lakas na tumayo.huminga ng malalim,tinaas ang kamay,tumalon at sumigaw ng..

"DARNAAAAAAAAA!!!!!"

(*ilang segundo ng kaningningan*)

BLAAAAAAG!!!

narinig ko nalang na nagsusumigaw ang nanay ko.ewan ko kung bakit.basta ang alam ko,umikot un ipin ko at nangitim.pumunta kami sa dentist.at buti,napihit pa.

dagdag kaalaman:hindi ako tumigil jan.isang beses pang naulit ang flying lessons ko,at sa pagkakataong yon,BANGAS naman inabot ko.

pangalawa*naglalakad ako kasama ng isang kaibigan sa kahabaan ng kalsada ng noveleta,dun sa may intersection.stop.may nadaanan kaming isang pick-up truck.mabilis akong naglakad.ngunit may bigla nalang pumigil sakin at hindi ako makaalis.may.may...sumabit.pagtingin ko sa likod ko,sa aking uniporm,un mga alambreng nakasabit dun sa trak na un,nakasabit nadin sakin..tinanggal ko ng madali ang alambreng.at.ayaw.ayaw.ayaw padin.
*sumignal ang mamang pulis ng go*
ayaw padin.tarantang engot na kami ng kasama ko sa pagtanggal at pagsigaw dun sa mga nasa loob ng trak (na parang walang naririnig).
*umandar ng trak*
*pabilis ng pabilis*
habang kami ay natakbo(pabilis din ng pabilis),sumisigaw(palakas ng palakas) at nagtatanggal padin ng pesteng alambreng un.
nasa kalagitnaan na kami ng intersection ng noveleta nun sapilitang kong natanggal un alambreng sumabit sa uniporm ko.ang PLEERT kasi ng uniporm ko.tsk.pati alambre.

dagdag kaalaman:nabutas un PLEERT kong uniporm.

ikatlo*sa basketball court ng atheneum na wala na ngayon.pe namen nun at talagang excited na excited akong sumali sa basketball.kinuha ko agad ang bola at dalidaling dinribol ito papunta sa side namin.ng biglang pinagitnaan ako ng dalawang kalaban.narinig ko nalang ang aking kaibigang sumsigaw ng:

:banggain mo!banggain mo!

noong mga panahong iyon,naalaa ko nalang ang mga basketbol lessons ko with misterr dyords zapanta.pagapak ko sa gilid habang pinaptalbog ang bola,siya namang bangga sakin ng aking kalaban,at sa kabila,at pag takbo ko..

SHWWIIIING!BLAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH(mejo flirt)GGGG!!!

wala na kong nasabi kundi:

"auuuuu." (mababa ng tono yan.)

at narinig ko nalang silang sumisigaw:

miss marnelli:"DUGO!!DUGO!!DALI!!AYYYY!!!DUGO!!NAKU PO!!"
mga kaklase:dali!dali!

nahihilo na ko nun.nagdidilim na ang paningin ko.pero pinilit kong umupo.natakot lang ako ng narinig ko si katering nagsasalita:

:nakooo..patay..pag yan malalim,tatahiin yan.madami.

lalo akong natakot at nagpanic.putek.buti nalang nandun si marjorie.dabest talaga un.at lahat ata ng panyong binigay sakin,nalagayn ko ng dugo.punongpuno ng dugo.may BUKOL pa.tapos nun,ginamot ni nurse un sugat,at para akong si manny pacquiao.(keewl.XD).

dagdag kaalaman:kinabukasan non.last command.ayos!may bangas.si marjorie na nagaalalay at tumulong sakin nuon,ay ang chief madical officer ng batch namen ngayon.ayos talaga.at hanggang ngayon,kung kakapain mo,may bukol padin ako.


pangilan na ba?a!ikaapat*sa kalsada ng san juan.sabado ng hapon,wala kaming magawa ni melay.naisipan naming magbike.hiniram ko ang bike ni misterr dyords zapanta,at para kay melay,bike ni kuya(sa cmg).pinuntahan namin si ang bahay ni katerin(sa salud).nilibot ang countryside.at pumunta sa gamezone.pagkatapos nun,di kami nakuntento at binaybay pa namin ang kalsada papntang san juan.habang nagbibike,masayang nagbibike,nagslip ang tsinelas ko at nawala sa balans ang bike,gumewanggewang ako at may humaruruot na mabilis na itim na pajero!muntikan na ko.mga isang sukat darili nalang,bangasbangas na ko.

mamang napadaan:aba neng!!magpapakamatay ka ba?

nahiya ako.pero ayos lang.masarap magbike.I HAVE WHEELS!tapos ayos pa ang mga humps dun.ganda pa ng bike ko e.at un kay melay,its K-TIME!!XD
thanks to misterr dyords zapanta para sa pagpapahiram ng kanyang MARINONI bike.
at thanks din kay kuya,para sa pagpapahiram ng bike.


dagdag kaalaman*gusto ko padin magbike.ayaw naman akong ibili ng bike.bike.bike.

ikalima*o,hindi naman ako ganun kaengot.hanggang apat lang.

o.eto.pagkakawento ko niyan,ang nasabi niya lang:

"ang engotengot mo."

wala na kong nasabi.engot ba?

baduuy.

+ + + + + + + + +
Thursday, August 16, 2007
"sabi na nga ba.adik ako. "

"what would you be fifteen-twenty years from now?"

tanong na madalas matripang gawing essay ng mga teacher na wala ng maisip kasi hindi pwede ang "what i did last summer vacation" dahil ilang bwan na lumipas ang summer.at "my autobiography" na taon taon ng sinusulat nung matuto naming mga estudyante isulat ang mga pangalan namin at birthday.at eto yun tanong na..na madalas ko ding hindi pansinin.

sa ngayon,kung titignan ni madam auring o kahit sino pang magaling na manghuhula ang future ko,e baka wala yung makita.malabong malabo.blurred.
madami akong gustong gawin.i wanna coach a sweemmeeng team for kids.i wanna do everything.i wanna be complete.thats why i take centrum.
aaa!balikbalik.pacentrumcentrum pa.

bumalik tayo..madami talaga akong gustong gawin.gusto kong magaral ng mga languages.gusto kong makakilala pa ng mas madaming tao.gusto kong magdrowing.at magdrowing.gusto kong maglakbay at magadventure.magparty at magsulat.matuto ng PHOTOGRAPHY at tumanga.

madaming madami pa.ewan ko.ano bang trabaho ang pwede dun?meron ba?
basta ang alam ko,ayoko ng PRESSURE.parang pag..parang..parang wala naman atang bagay na walang pressure.pati mga tinitipa ng darili ko sa keyboard na to na nababasa mo e may PRESSURE.pati pagligo ko.kahit FREE TIME.meron.
siguro minsan,di lang natin nararamdaman dahil naaaliw tayo.dun nalang siguro ako.

kaya kung tatanungin mo ulit ako.siguro wala padin akong masasagot.at kung tatanungin mo din ulit un mga manghuhulang yon,malabo padin ang mga makikita nila.
pero matagal pa naman un e.madami pang pwedeng mangyari.madami pa kong pwedeng gawin.dibadiba?

baduy.

+ + + + + + + + +
Sunday, August 12, 2007
"UP aking irog. "

"UP aking irog,bakit mo ko inakit,tinisod,ay ngayo'y pinahulog?"

noong isang linggo,natapos na ang lahat ng kaba at paghihintay.
UPCAT.(University of the Philipines College Admission Test)

(tinatamad akong magpost.)

teka.sabado.maaga nagsimula ang araw ko.august 4,2007.nagsimba,bumili ng monggol,namalenke at kumain.alasdiyes na at hindi pa ko naliligo.andami ng nagtetex at papunta na daw sa mcdo ang mga kasabay ko.sa kakasigaw ng mga kapatid ko,naligo na ako.nagbihis.
hindi ako makaaalis.wala daw pera.ewan.nalungkot ako.pero ayos lang.kahit kulang,go.pero hindi ako pinaalis ng nanay kong ganun lang.kaya..sumobra sobra ung pera ko XD

may dalawang monggol pensil,isang sharpener,gatorade,mga barya at punong puno ng mensahe mula sa mga taong naniniwala,nagtungo ako ng binakayan.
bumili ako ng lunch sa seveneleven,hotdog sandwich,at ANAK NG TINOLA!!!daig pa ng dalawang sili na pinalaman sa tinapay ang nakuha ni melay!kainis.hindi ko din mashado nakain.kainis.
dumating na kami sa CAMERINO at andaming tao.matangkad,mapayat,mahaba buhok,mapimpol,mga taong natripan lang magupcat,mga taong patay na patay magupcat.at ako,na UMAASANG papasa ng upcat.
nandun na si maryel,si ryan at czarina.binigyan pa ako ni czarina ng crossini (thanks czarina c:) at ng fudgee bar ni oppers.haha.
ORAS NA!!!

pinapasok na kami at pinaupo.hiwalay si maryel.at...may katabi akong koreana.haha.yahuu!naexcite ako shempre.namimiss ko na kasi si rambo at hansol e.ayun.pero suplada un koreanang un.nagsalita na ang proctor.lahat ng instructions..at..biglang:

koreana:bring what?!!!!!
ako:a..BAG.*haha*

nagulat talaga ako.shempre pagupo,kinausap ko na sha.

ako:what school are you from? *_*
koreana:cah sah re ar.
ako:what?
koreana:(pinakita ang permit.)
ako:ooo...casa real.umm...*pasikat* ireum mweo ya? (what is your name?)
koreana:a...(siguro naaamaze.haha) kang yun kyung.
ako:ok :D

wala lang.kinabahan ako ng mga panahong yan.dagdag pa sa kaba kong pagukuha ng exam.pinalabas ang instructions booklet.kinakabahan padin ako..at paglabas ko ng instructions booklet......
natawa ako bigla.un picture ng permit sa labas,si DAO MING SHI.oo,tama ka,un nasa meteor garden na araw araw mo ding inaaabangan.sha na nga.natawa talaga ako.tawa ako ng tawa.
pagkatapos gawin lahat ng nasa booklet,umpisa na.

language proficiency.60 minits.natapos ko naman,at nakabalik pa.
science.hanep!uber.85 minits ata.nanghula ako.
isa pa.85 minits din.at nasakit na un ulo ko.parang bumubuka math.na.naiihi na ako.at dahil alam kong kukulangin sa oras at may masama akong experience sa mga banyo..hindi na ako umihi.natapos ko naman,pero,dalas dalas lang.
reading comprehension.nahihilo na ako at parang di ko na kaya.inisip ko ngang matulog nalang at hintayin na matapos ang lahat.pero,ng maisip ko ang kinabukasan ko (nakakatawa,pero totoo.)pinilit ko.pinilit kong basahin at sagutan ang bawat kwento o anuman na satingin ko e walang kinlaman sa buhay ko,pati sa buhay mo.wala.natapos ako at nakabalik pa.ihingihi na ako at hindi ko na kaya.

umihi ako.naghintay.lumabas.sumakit ang ulo.at nagtex.pero palabas..may isang lalaking posturang postura ang ichura,hindi siya bagay sa paligid kung nasan ako.may kasama shang isa pang mas batang lalaki,na kagaya din niya,ay parang pupunta din ng SONA.

lalaki:(kinakausap si tita mira)ay!!sinasabi ko nga ho dito sa anak ko e kahit sa TOP TEN LANG E MAKASAMA SHA!!scholar un ng bayan!
kami:(nagulat.HELLO.)
tita mira:a.un kapatid ho nito!(tumuturo sakin)ISKOLAR HO YUN NG BAYAN!
lalaki:(deadma at nagmamalaki)

naisip kong buti hindi ako nasa katayuan ng batang un.bukod sa hindi ko trip kung anong suot niya,ayoko magkaron ng ganun kalaking responsibilidad.alam kong KAILANGAN,at hindi ko lang kagustuhan ang pagpasok ng UP.sana.sana lang.gaya ng KAPATID KO,maging ISKOLAR din AKO NG BAYAN.

UBLE,sambutin mo ako.

adikadikadik.

+ + + + + + + + +
Thursday, August 9, 2007
"GLOBE UNLITXT:makatarungan ba?. "

GLOBE UNLITXT:P20/one day,P40 two days,P80/five days.
manbagyo.manforward ng chain messages.mangforward ng walang kwentangquotes.messages.langya,sa hirap ng buhay ngayon,tama pa ba ang magUNLIMITED?

araw araw,isa lang ang hindi ko pwedeng gawin..(shempre bukod sa hindi kumain.at umihi.at maligo(pwede din pala.))ang MAGTEXT.

:melay,paload.81.bukas ko babayaran.ngayon na a.ngayon na.ngayon na aa.
(maya maya..wala padin.)
:melay!!load.load.tagal e.

sa panahong natanggap ko ang message na nagsasabing..

from:AutoloadMax
You have just been loaded 81.00 worth of credits blablabla.

hindi na mapipigilang ng mga makakati kong darili..itype ang:
UNLITXT80 at isend sa 2870.

galit na galit pa ko kapag matagal magregister.at higit sa lahat,dumating ang message:
Natigil na ang iyong GLOBE unlitxt.........

ayy nako.pfft!(kiki)pfft!!minsan late pa yan.naubos na lahat ng load ko,bago pa niya masabing "WALA NA!!WALA NA!!!"

hanep.nonstop talaga ako.wala na kong ginagawa.magtex.tapos magtex ulet.ewan ko ba.
sa bawat limang araw,gumagastos ako ng 80 pesos.para lang...matex ang mga taong araw araw ko namang kasama.kung hindi ako gumagastos nun,makakabili ako ng:
*walong pirasong balot!
*tatlumputdalawang pirasong kwekkwek!
*anim na pirasong pamaypay
*dalawang baby cologne
at kung susumahin mo pa ang lahat,madaming madami pa akong mabibili!hanep.sa loob ng dalawang taon,kung kukwentahin mo ang nagastos ko kakaload lang..hanep.pwede ko ng mabili ng aircon ang classroom sa division three!(ganun nga kaya yun?)pero yon!di ko padin mapigilan.sa mga oras na to,may katex pa ko.

PERO!!kung di ako nagtetex,dito mo ako makikita!!

all day unlimited text.


siguro hindi ko nadin mapipigilan.

gusto ko pa namang magipon.gusto ko magkaron ng bike.marinoni!yon.gusto kong magbike.papunta kina melay.kiarra.genissa.katerin.skul.at kung san san pa.hanggang san ako dalin ng mga gulong!we have wheeels!!!excited na ko.BIKE!!BIKE!!

questions?.text me c;

*salamat kay katerin sa bagong layout.MAJORFLIRT!

+ + + + + + + + +
© Layout Katherine