Sunday, June 3, 2007
"maaamee..maamee..!!!
"
mainit..nakakatakot.malapit na.hindi padin ako nakakalabas.wag niyo ko iiwan.ate.gusto ko na lumabas.tulong.tulong.maaamee..maaamee..
madaming beses na akong nakukulong.at palaging sa BANYO!!tenenenen.ang galing diba?ewan ko kung bakit.muka talaga akong tanga.dammeet.
pinakaunang banyo imprisonment--sa eroplano.ihing-ihi na ako at pababa na ang eroplano.wala ng magagawa at kailangan kong tumayo at pumunta sa banyo.pero natatakot ako..kaylangan ko ng kasama.pinilit ko si ate weng na samahan ako..
ihing-ihi na ako at walang vacant.ayon.may lumabas.pero
ayokong umihi don..ayoko talagang umihi don.pero dahil pababa na ang eroplano at mainit na ang ulo ni misis weng,napilitan ako..
takot na takot akong pumasok..pero dahil ihing-ihi na ko,sinaran ko ang
pintuan (hindi ko siya nilock) at umihi.wow.sa wakas.tapos na.pagtapos ko..binuksan ko ang
pintuan..my gass.ayaw bumukas.panu ba to??tinawag ko si ate weng..malakas..kinatok ko ang pintuan.walang sumasagot.patay.malapit na maglanding at maiiwan ako dito..ayoko!!tumawag padin ako at kumatok.takot na takot na ko.sabi na nga ba at dapat hindi na ko pumasok sa pintuang yun.
hindi ko kasi alam kung pano buksan,hindi kasi siya ung may knob..basta.mahirap.ayan tuloy.nasaan ka ba ate weng?ate weng!!!kumatok pa ko.mahihimatay na ko sa takot,ngunit sa wakas..may nagbukas ng pintuan..isang lalake.na malaki ang katawan..at bumalik na ko sa upuang takot na takot at inis na inis kay ate weng na kumportableng nakikinig ng music,habang akoy mahihimatay na sa sobrang takot.nako!
pangalawang banyo imprisonment--sa aming sariling banyo(sa saudi)galit na galit kaming ipinasok ni maureen sa tig-isang banyo ni mommy..(ako dun sa malaki siyempre:p)galit na galit siya kasi nagpatayan nanaman kami at talaga namang uber na..
mejo mainit.at nagugutom na ko.magtatanghalian na at sana naman palabasin niyo na ko.mga ilang minuto pa..gutom na talaga ko..dahil walang magawa,inaliw ko muna ang sarili ko at nagsayawsayaw muna sa llob ng banyo..naglaro sa bathtub at kumanta.
tapos..ayon na.narinig kong pinapatawag na kami at sa wakas,
kakain na.haha!!sabik na sabik kong sinuksok ang susi sa susian at inikot ito..
ayaw.bakit ayaw?isa pang ikot.muling ikot.
ayaw talaga.gutom na gutom na ko at pawis na pawis.pinilit ko ngunit..wala.
kinatok na ako ni kuya marvin..kakain na daw.
inikot ko ng inikot,at ayon!!salamat!bumukas na siya.
paglabas ko e tinawanan ako ng tinwanan ni ate weng at kuya marvin.ewan ko ba.
pangatlong banyo imprisonment--sa banyo ng isang thai restaurantdahil napapagod na ko,ganito na lang..:D
(habang nakain)
ako:ate weng,naiihi ako.samahan mo ko..sige na.
ate:ano??e.
ako:mommy o!!
mommy:samahan mo na.lakad.
(sa baba)
ako:ate weng hintayin mo ko!wag mo kong iiwan.
ate:lagot ka.haha.
ako:hintay lang!a?a?a?
ate:oo na!bilisan mo na!
umihi na ko..at ayon.sa hindi inaasahang pagkakataon,hindi ko nanaman mabuksan ang pintuan,isang ordinaryong pintuan.takot na takot nanaman ako..at baka iwan nila ko..
hindi ko talaga mabuksan..
ako:maamee...maamee..(iyak.iyak) mameee..
walang nasagot.hanggang sa ayon,biglang may nagclick,at nakita kong ndun si ate weng.nalaman kong nandun lang pala siya sa labas ng pintuan nung buong oras na tawag ako ng tawag..at gumugulong gulong siya sa kakatawa.napaiyak alp.maamee..mamee..
--hanggang ngayon ay niloloko padin ako nila ate weng sa mga kagagahan kong yan.at simula ng mga yan,hindi na ako nagpapasama kay ate weng umihi.ayoko na ulit makulong.baka hindi na ulit ako makalabas.ayoko na.
♥Ruut
+ + + + + + + + +
© Layout Katherine